
Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5 para alamin ang detalye ng malagim na aksidente sa Batasan Hills, QC kagabi.
Ayon kay LTFRB Spokesperson Atty. Ariel Inton, nais mabatid ng ahensya kung mayroong existing franchise ang CMR Trucking Services na 18-wheeler truck na may plakang JAG 8962.
Ito ay para maisyuhan agad ng show cause order upang pagpaliwanagin ang may-ari at ang truck driver.
Sa ngayon ay humihingi ng paumanhin ang truck driver na si Erwil Domingo sa kaanak ng mga namatay.
Facebook Comments









