LTFRB, inaasahang maglalabas na ng desisyon sa unang linggo ng buwan ng Pebrero sa usapin ng surge fee

Inihayag ng pamunuan ng ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na inaasahan sa unang linggo ng buwan ng Pebrero ay maglalabas na sila ng desisyon hinggil sa inihaing reklamo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection laban sa Grab Philippines kung saan binigyan sila ng limang araw para i-submit sa ahensya ang dokumento tungkol sa paniningil ng surge fee sa short trips ng mga TNVS na nakakonekta sa kanilang app.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na kung bakit naningil ang Grab ng mataas na surge fee sa short trips ng mga pasahero ng mga Grab cars gayung wala naman basbas mula sa ahensiya.

Paliwanag ni Guadiz sa fare matrix na pinalabas ng LTFRB sa TNVS, aabutin lamang dapat ng hanggang ₱45 ang surge fee kung ito ay rush hour lamang at hindi ₱85 na surge fee na sinisingil ng Grab Philippines sa mga pasahero kahit short trips lamang.


Sa isinagawang pagdinig kahapon inamin ng Grab Philippines na ang pagsingil ng surge fee ay batay sa algometry o kung mataas ang demand pero konti lamang ang suplay ay mataas ang singil ng TNVS partners.

Sa panig naman ni Atty. Ariel Inton, Presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection hindi aprubado aniya ng LTFRB at Department of Information and Communication Technology (DICT) ang ganitong sistema ng Grab sa kanilang app.

Paliwanag ni Atty. Inton na dapat ay magpalabas na ng parameters ang LTFRB kung magkano ba talaga ang dapat na sisingilin ng Grab sa mga pasahero nito, gaano kalayo ang trips at sa anong oras o kung sa rush hour ba.

Nais din maliwanagan ni Atty. Inton kung Grab partners na naka online lamang ba ang maaaring gumamit ng kanilang app sa pagsingil ng mataas na surge fee.

Facebook Comments