Pumalag ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) sa naging pahayag ng isang presidential bet na umano’y may korapsyon sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng pamahalaan dahil napunta lamang sa tatlong bus companies ang prangkisa ng PUV system.
Sa isang statement, itinanggi ng LTFRB na na-consolidate sa tatlong bus companies ang PUV system sa bansa, gayundin ang akusasyon ng umano’y korapsyon.
Ayon sa LTFRB, sa katunayan ay inalis ng PUVMP ang sinaunang kultura na lumikha ng isang dekadang problema sa public transport services sa bansa.
Ilan sa mga isyung sinolusyonan ng programa ay ang pagsulputan ng napakaraming prangkisa, pagkakaroon ng napakaraming mga ruta, pag-iral ng “boundary system”.
At higit dito, ang pagpapalit ng luma at dilapidated na PUVs.