LTFRB, inalmahan ang mga batikos sa disbursement ng pondo ng Service Contracting Program

Pumalag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ibinunyag na problema sa disbursement ng pondo ng Service Contracting Program at Direct Cash Subsidy partikular na sa mga operator at drayber ng EDSA Busway.

Sa isang kalatas pambalitaan, itinanggi ng LTFRB ang alegasyon na hindi nababayaran ang mga bus operator ng EDSA Busway.

Sa tala umano ng LTFRB ngayong May 20, 2021, nasa ₱156,694,046.42 na ang halaga ng weekly payout at one-time incentive ang naipamahagi sa mga bus drivers.


Kinakatawan umano ito sa 89.64% ng kabuuang weekly payouts.

Naglabas din umano ng pahayag ang Mega Manila Consortium Corporation upang linawin na nabibigyan ng weekly payout ang mga PUB drivers sa ilalim ng kanilang kompanya.

Ang Libreng Sakay sa EDSA Busway sa ilalim ng Service Contracting ay nagsimula noong April 7, 2021 na layuning tulungan ang mga healthcare workers, medical frontliners, at Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na maihatid nang libre sa kani-kanilang mga trabaho sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments