LTFRB, inanunsyo ang muling pamimigay ng Pantawid Pasada fuel cards

Balik na ngayon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagproseso at pag-validate ng applications para sa  Pantawid Pasada fuel cards.

Nanawagan ang LTFRB sa mga jeepney drivers at operators na nakapangalan ang prangkisa na i-claim ang kanilang mga Pantawid Pasada fuel cards sa mga itinakdang schedule at lugar.

Maaari ring i-claim ang mga fuel cards sa pamamagitan ng sinumang kinatawan.


Kinakailangan lamang makapagpakita ng mga sumusunod:

  1. Special Power of Attorney, maaaring kunin ang Special Power of Attorney form sa mga distribution sites o i-print ang ipo-post na form sa website at social media accounts.
  2. Original at photocopy ng ID ng qualified franchise holder3.
  3. Original at photocopy ng ID ng representative4.
  4. Original OR/CR
  5. Original copy ng CPC

Sa ilalim ng Pantawid Pasada Fuel Program, target nitong mabenepisyuhan ang nasa 179,000 jeepney franchise holders sa buong bansa sa pamamagitan ng card na naglalaman ng ₱5,000 bilang fuel subsidy kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments