Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator-driver ng mga Public Utility Jeepneys (PUJ) na nakapangalan sa prangkisa na hanggang sa ika-28 ng Hunyo 2019, araw ng Biyernes na lamang ang huling araw ng pamimigay ng Pantawid Pasada fuel cards para sa 2018 subsidy.
Sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, ipinagkaloob ang mga ito sa mga lehitimong franchise owner ng mga Public Utility Jeepney (PUJs) kung saan nabigyan sila ng tig P5,000 na subsidy.
Ito ay katumbas ng kabuuang halagang P508,225,000.00 Pantawid Pasada Program ay pinondohan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Abot sa 101,645 na Pantawid Pasada fuel subsidy cards ang naipamahagi ng DOTr at LTFRB sa mga lehitimong franchise owner ng mga Public Utility Jeepney.
Ayon sa LTFRB, ang nasabing bilang ng naimapahaging fuel subsidy cards ay mula noong July 2018.