LTFRB, inanyayahan sa isang dayalogo ang mga TNVS stakeholders bukas

Manila, Philippines – Nagpatawag ng dayalogo bukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga Transportation Network Vehicle Services o TNVS operators, mga tncs at sa lahat stakeholders upang pag-usapan ang sinasabing pahirap policies ng ahensya.

Maging sa anti-red tape authority ay makikipag-usap ang LTFRB upang linawin ang hindi umano pagsunod ng ahensya sa ease of doing business policy na atas ni Pangulong Duterte.

Kaninang alas-sais ng umaga nagtipon-tipon na ang TNVS Community o TNVS sa Quezon City Memorial Circle kung saan nagsagawa sila ng noise barrage.


Dumating din sina CSC Commissioner Aileen Lizada, LCSP President Ariel Inton at mga kinatawan ng ARTA.

Simula kaninang alas-sais ng umaga, pahirapan na ang pag-book sa system ng hatchback TNVS at kung nakapag-book man, masyadong mataas ang singil sa pasahe.

Kabilang sa mga demands na ito ay ang moratorium o pagpapatigil sa panghuhuli ng TNVS, paglalatag ng systematic application process at pagbalangkas ng batas para dito.

Ayon kay Jun De Leon, lider ng TNVS Hatchback Community, napilitang maglunsad ng tigil-pasada ang kanilang hanay bilang protesta laban sa anilay “pahirap policies” ng LTFRB.

Inupakan ng TNVS group ang diumano’y mga pabago-bagong ipinatutupad na proseso sa registrations at applications para sa isang TNVS.

Nakakalito umano ang mga hinihinging requirements, mabagal din sa paglalabas ng provisional authority at Certificate of Public Convenience ang regulatory agency.

Ilan pa sa kanilang kahilingan ang ma-activate ulit ang mga na-deactivate dahil sa case number na walang provisional authority

Payagan ng LTFRB ma-accredit at patakbuhin na ang mga bagong sasakyan na nabigyan na ng case number.

Mabigyan ng prankisa ang hatch o payagan na sila mag-operate bilang TNVS.

Nagbanta pa ang Hatchback Community na masusundan pa ang kanilang tigil-pasada ngayong araw hanggat hindi nabibigyan ng tugon ng LTFRB ang kanilang kahilingan.

Facebook Comments