Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbiyahe ng dagdag na 255 UV Express units sa limang rutang binuksan sa Metro Manila.
Batay sa Memorandum Circular No. 2021-049 ng LTFRB, kabilang sa mga binuksang ruta ay ang mga sumusunod:
N08 G. Tuazon – Ayala (Sampaloc)
N25 BF Paranaque Village (Las Pinas) – Ayala Center
N64 Pasig City – EDSA Central
N69 SM Megamall – Quiapo/SM Megamall – Quiapo via Ortigas
N52 Sucat – Lawton/Sucat – Park N Ride
N72 SSS Village – Cubao (Farmer’s Plaza/MRT)
Papayagan namang bumiyahe ang mga roadworthy Public Utility Vehicle (PUVs) na may valid at existing Certificate of Public Convenience o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.
Kapalit naman ng special permit, bibigyan ng QR code ang bawat operator na dapat ipaskil sa PUV.
Nilinaw ng LTFRB na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang UV Express.
Apela ng LTFRB sa mga operator at UV Express, sundin ang minimum health protocol upang hindi na kumalat ang mas nakakahawang COVID-19 Delta variant.