LTFRB, inatasan ang mga kompanya ng bus na magpatupad ng mga road safety measure ngayong long weekend

Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga kompanya ng bus at operator na siguruhing ligtas ang mga pasahero na bibiyahe sa mga probinsiya ngayong dagsa ang mga pasahero na gustong samantalahin ang long weekend.

Sa isang advisory, nagpaalala ang LTFRB sa mga kompanya ng bus na magpatupad ng mga road safety measure.

Kabilang na ang mahigpit na pagsunod sa traffic regulation, tamang maintenance ng mga bus, at komportable at maayos na bus para sa mga pasahero.


Pinatitiyak din ng LTFRB sa mga bus operator ang convenience at kaligtasan ng mga bibiyahe.

Nanatili namang matumal ang mga pasahero sa mga DLTB bus line, Jac Liner at victory liner sa EDSA Cubao.

Marami umano sa mga maglo-long weekend ay posibleng piniling manatili sa bahay para makatipid.

Facebook Comments