LTFRB, inatasan ang mga pinuno ng ahensiya para tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero sa panahon ng Semana Santa

Inatasan na ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III ang lahat ng pinuno ng ahensya sa buong bansa na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa panahon ng Semana Santa.

Ayon kay Delgra, simula sa Abril 8 hanggang 18, ipapatupad na ng LTFRB ang heightened alert bilang suporta sa ‘Oplan Biyaheng Ayos’ ng Department of Transportation (DOTr).

Paliwanag pa ng opisyal na dapat tiyakin ang pagsunod ng bus terminals sa mga alituntunin ng LTFRB, kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero.


Nagbigay pa ng detalye sa mga terminal ang LTFRB na maaaring puntahan ng mga mananakay.

Sa Metro Manila, kabilang ang PITX sa Paranaque, SRIT o SM City Sta. Rosa sa Laguna, NLET sa Bocaue Bulacan at Araneta Center terminal sa Cubao.

Bilang paghahanda, magsasagawa ang LTFRB ng random inspection sa mga bus bilang bahagi ng pagtiyak sa road worthiness ng mga sasakyan at kaligtasan ng mga pasahero.

Facebook Comments