Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na nasa 5,000 lamang ang inaprubahang otorisadong drivers ng mga motorcycle taxi.
Ipinakita ng LTFRB ang bilang ng mga otorisadong drivers ng mga motorcycle taxi.
Batay sa datos mula sa LTFRB Motorcycle Taxi Pilot Run Technical Working Group, mula sa naturang bilang, nangunguna ang Angkas, kasunod ang JoyRide at ang Move It.
Batay sa datos, ang Angkas ay mayroong 2,204 otorisadong drivers, sumusunod ang Joy Ride na may 1,438 at MoveIt na may 1,414 otorisadong drivers.
Ayon sa TWG, mababa ito sa 10,000 unit limit kada ride hailing company.
Facebook Comments