Iniimbestigahan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay ARTA Director General, Atty. Jeremiah Belgica – mabagal ang pagpoproseso ng provisional authority ng mga driver ng Transport Network Vehicle Service o TNVS.
Pinagpapaliwanag din ang LTFRB dahil sa makupad ng paglalabas ng prangkisa ng mga pampublikong sasakyan.
Sa ngayon, online na ang application para sa provisional authority para maiwasan ang mahahabang pila at mapabilis ang pagpoproseso.
Nakipagpulong na rin ng LTFRB sa ARTA at sasagutin nila ang imbestigasyon at ilalahad nila ang mga pagbabagong ginagawa sa ahensya.
Facebook Comments