LTFRB, inilabas ang listahan ng mga bus company na nabigyan ng special permit kaugnay sa Undas

Inanunsyo na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ilang bus company na units ang nabigyan ng special permit para makabiyahe ang kanilang mga units sa mga partikular na ruta.

 

Ito ay upang matiyak na may sapat na bus na masasakyan ang mga bibiyahe patungong probinsiya para dumalaw sa puntod ng kanilang namayapang mahal sa buhay.

 

Kabilang sa nabigyan ng special permit sa mga partikular na ruta:


*Victory Liner- Caloocan to Apalit, Caloocan to San Fernando and Caloocan to Olongapo

*Baliwag Transit- To Hagonoy and to Baliwag, Bulacan

*First North Luzon- To Hagonoy and Macabebe

*German Espiritu-to Bulakan, Bulacan

*Nuestra Senyora Del Carmen to Garden, Sta. Maria

Agila- to Angat

ES Transport to San Miguel, Bulacan and Sapang Palay

Facebook Comments