Muling hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga miyembro ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) na pag-usapan ang kanilang hinaing sa halip na magsagawa ng tigil-pasada ngayong araw.
Iniimbitahan ng LTFRB ang mga TNVS operator at driver sa isang dayalogo para talakayin ang mga panuntunan ng ahensya.
Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III – mas mainam na idulog sa kanila ang mga hinaing ng mga TNVS kaysa idaan ito sa protesta sa kalsada na makakaapekto lamang sa mga commuter.
Bukas itinakda ng LTFRB ang pagpupulong kasama ang TNVS drivers.
Samantala, ang Grab Philippines ay magbibigay ng ‘tuloy pasada’ reward sa mga TNVS partners nito na hindi makikiisa sa transport holiday.
Facebook Comments