LTFRB, inirekomenda sa LTO na suspendihin ang drivers license ng jeepney driver na sangkot sa umano’y body shaming ng kanyang pasahero

Inirekomenda na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) na suspendihin ang drivers license ng jeepney driver na sangkot sa umano’y body shaming o panlalait sa pisikal na anyo ng kanyang pasahero.

Sa LTFRB order na may petsang June 25, ang rekomendasyon nito sa LTO na suspendihin ang lisensya ng tsuper ay alinsunod sa Land Transportation and Traffic Code.

Bukod sa suspensyon ng drivers license, papatawan ng LTFRB ng tig 15,000 ang driver at operator.


Sabit ang opereator dahil sa pagkuha ng tsuper na nangungutya sa physical appperance ng pasahero.

Dahil sa mga ebidensyang inilatag sa pagdinig, pumabor ang LTFRB board sa complainant.

Nanindigan ang board na walang lugar sa sibilisadong lipunan ang ginawa ng driver at dapat lamang patawan ng kaparusahan at multa dahil sa panlalait.

Una nang naghain ng reklamo sa LTFRB ang pasahero matapos syang sabihan na bumaba ng jeep dahil overweight ito na naging sanhi pa ng pagka-flat ng gulong.

Nag-sorry na ang driver pero nandigan ang LTFRB na dapat itong patawan ng kaparusahan.

Umaasa ang LTFRB na magsisilbi itong babala sa lahat ng mga nasa sektor ng public transport.

Facebook Comments