LTFRB, ipapatawag ang Grab para ipaliwanag ang pag-deactivate ng nasa 8,000 drivers nito

Nakatakdang maglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause order laban sa Transport Network Company (TNC) na Grab Philippines.

Ayon kay LTFRB Chairperson, Atty. Martin Delgra III – ipapatawag nila ang mytaxi.ph inc. – ang local unit ng Grab, sa pamamagitan ng show cause order ngayong araw.

Dapat ipaliwanag ng Grab ang ginawa nilang deactivation sa ilan sa mga driver nito at sagutin ang mga reklamong hindi sila nagbibigay ng 20% discount sa mga senior citizens, PWDs at mga estudyante.


Bago ito, sinabi na ng Grab Philippines na handa na nilang tanggalin sa June 10 ang nasa 8,000 partner drivers nito na hindi nakapagsumite ng proof of PA mula sa board.

Aminado si Grab Philippines President Brian Cu na ang pagtanggal sa active TNVS partners ay katumbas ng 100,000 rides sa isang araw, na magdudulot ng abala sa mga pasahero.

Kaya asahang magiging mahaba ang booking time at madalas ang surcharges simula sa susunod na linggo.

Pero umaasa ang Grab na pansamantala lamang ito dahil sa 10,000 slots na bubuksan ng LTFRB para sa bagong TNVS applications sa June 10.

Facebook Comments