LTFRB, ipinag-utos na 50-50 o paghahatian ng operator at ng transport network vehicle ang ibinibigay na diskwento sa mga estudyante, PWDs at mga senior

Naglabas ng memorandum ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nag-aatas na 50-50 o parehong paghatian ng mga operators at Transport Network Vehicles ang pagbibigay ng mandatory 20 percent discount sa students, senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Simula April 7, hindi na uubra ang nakaugaliang ipasa sa drivers ang pagbalikat sa ibinibigay na diskwento.

Ito ay maliban na lang kung ang driver ay ang mismong operator ng sasakyan.

Una nang inihayag ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III sa pagdinig ng Senado na hindi pwedeng ipasa sa driver partner ang fare discount.

Nagpasiya ang LTFRB board na maglabas ng MC upang mawala ang kalituhan sa magkakaibang formula na ginagamit sa fare sharing discount.

Facebook Comments