LTFRB, ipinag-utos sa PUV operators na dadaan sa expressways na maglagay ng RFID

Ipinag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paglalagay ng Radio Frequency Identification (RFID) sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) na dadaan sa tollways at expressways.

Ito ay batay sa ipinalabas na Memorandum Circular 2020-020 ng LTFRB na epektibo noong Biyernes, May 15, 2020.

Paliwanag ng ahensya, bilang paghahanda na rin ito sakaling isailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang buong National Capital Region (NCR) kung saan planong ipatupad ang contactless transactions sa tollways at expressways.


Handa naman anila ang LTFRB na tumulong sa PUV operators sa paglagay ng RFID sa kanilang mga pampublikong sasakyan.

Facebook Comments