Itinakda na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa August 12, 2023 ang pagdinig para sa mga panukalang dagdag-pasahe ng mga Public Utility Jeepneys at taxi.
Ayon kay LTFRB Teofilo Guadiz III, magpupulong muna ang LTFRB board sa Martes, August 29 para pag-usapan ang fare hike petition.
Ang Pasang Masda, ACTO, at ALTODAP ay humihirit ng ₱5 fare increase.
Nakaloob din sa petisyon ang dagdag na piso para sa susunod na kilometrong biyahe ng jeep.
Hinihiling din ng grupo na aprubahan ng ahensya ang ₱1 provisional increase habang hinihintay na maaprubahan ang kanilang hirit.
Una na ring humiling ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), PISTON, FEJODAP at Stop & Go Transport Coalition Incorporated para sa ₱2.00 na dagdag-pasahe sa mga pampublikong jeepney.
Habang ang taxi operators ay ay humihirit naman ng ₱70 na flag down rate.
Ayon kay Guadiz, bubusisiin nilang mabuti ang mga petisyon dahil magkakaiba ang mga boses mula sa transport groups.
Aniya, dahil magkakaiba ang mga hirit, bawat fare hike petition ay babalangkasin muna ang kinakailangang fare matrix bago iaakyat sa NEDA.