LTFRB, itinanggi ang balitang may order para iimbestigahan ang insurance company na may kaugnayan umano sa mga Discaya

Pinabulaanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang balitang may kaugnayan umano sa isang insurance company na may kinalaman sa mga Discaya.

Kasunod ito ng isang balita na lumabas sa isang tabloid noong Disyembre 9, na may pamagat na “LTFRB pinaiimbestigahan ang insurance firm ng Discaya,” kung saan nakasaad na pinaiimbestigahan na ng ahensya ang isang kumpanyang konektado sa mag-asawang Discaya, na kasalukuyang nasasangkot sa mga maanomalyang flood control project.

Ayon sa inilabas na pahayag ng LTFRB, wala umanong utos o instruksiyon mula sa ahensya na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa naturang kumpanya.

Facebook Comments