Manila, Philippines – Nagpahayag ng interes ang isang Transport Network Company (TNC) na makipagkopitensya sa nagsanib-pwersang Grab-Uber.
Ayon kay land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Aileen Lizada, ang kumpanyang ‘pira’ ay nais pumasok sa ride-sharing services.
Aniya, bukas (April 5) ay pag-uusapan nila ang bagong TNC na gustong pumasok sa market.
Bukod sa ‘pira’ ang mga TNC na ‘lag go’, ‘owto’ at ‘hype’ ay mayroong nakabinbing application for accreditation sa LTFRB.
Sabi ni Lizada, kapag nakapag-comply sila magkakaroon ng apat na bagong player sa TNCS.
Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Grab ang pagbili nito sa operasyon ng Uber sa buong Timog-silangang Asya.
Facebook Comments