LTFRB, maagang rerepasuhin ang aplikasyon sa special permits ng mga bus

Manila, Philippines – Nagsimula na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tumanggap ng aplikasyon para sa pagkuha ng special permits para sa mga Metro Manila at provincial buses na gustong mag out of line saluhin ang inaasahang pagdagsa ng mga uuwi sa mga probinsiya.

Layunin nito na maaga at ligtas na makabiyahe ang mga pauwi sa mga lalawigan kaugnay ng “Undas” o tradisyonal na paggunita sa araw ng mga patay.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, mula October 2 hanggang October 13 , pumalo na sa 419 ang aplikasyon na ang kanilang tinanggap mula sa 1,080 na mga units .


Kung sakaling maaprubahan , ang special permits ay magkakabisa mula October 30 hanggang November 3.

Facebook Comments