LTFRB, mabubukas ng 10,000 slots para sa TNVS application

Magbubukas sa susunod na linggo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng nasa 10,000 slots para sa mga bagong aplikasyon ng Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Sa abiso, muling tatanggap ang LTFRB ng online registration para sa 10,000 bagong TNVS units simula sa June 10.

Paalala pa ng transport regulation agency, ang mga appointment slots na binuksan noong Disyembre 2018 ay hindi na tatanggapin sa katapusan ng business hour sa June 7.


Ang pagbubukas ng bagong slots ng TNVS applications ay kasunod ng paglalahad ng ride-sharing firm na Grab Philippines na kulang ang kanilang suplay ng sasakyan para mapunan ang tumataas na demand ng pasahero.

Facebook Comments