LTFRB, magbibigay ng libreng sakay sa mga maapektuhan ng Nationwide Transport Strike

43

MANILA, PHILIPPINES – Magbibigay ng libreng sakay ang LTFRB sa mga maapektuhan ng nationwide transport strike.

 

Ayon kay LTFRB board member Aileen Lizada – magpapakalat ng 51 government vehicles ang ahensya para sa libreng sakay.

 

Magtatalaga din ng 200 pulis para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

 

Siniguro rin ni Lizada na hindi mawawalan ng bumibyaheng jeep sa kalsada.

 

Kasabay nito, inanunsyo naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang number coding para sa mga public utility vehicles ngayong araw.

 

 

Facebook Comments