LTFRB, magbibigay ng special permit sa mga PUV para sa holiday rush

Sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa mga special permit para sa public utility vehicles (PUVs) bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga commuter sa holiday season sa loob at labas ng Metro Manila.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III bubuksan ang aplikasyon para sa mga espesyal na permit simula December 15.

Ani Guadiz, may bisa ang special permit mula December 20, 2024, hanggang January 4, 2025.


Layon nito na matiyak na mayroong sapat na bilang ng mga PUV na magseserbisyo sa riding public sa panahon ng Christmas rush.

Ayon sa LTFRB chief, may 5,000 slots ang inaprubahan ng ahensiya para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Mahigpit na makikipagtulungan ang LTFRB sa mga operator at enforcer para pangasiwaan ang inaasahang pagdami ng mga pasahero.

Paalala ng LTFRB sa mga commuters, planuhin ang kanilang mga paglalakbay at manatiling mapagbantay upang matiyak ang ligtas at maayos na paglalakbay.

Facebook Comments