Nagpahayag ng pagsuporta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa sektor ng transportasyon kung saan ay magbibigay ulit ang ahensya ng subsidiya sa mga operator na ₱6,000 na fuel subsidy isang beses sa isang taon.
Sa ambush interview, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na simula sa kalagitnaan ng Agosto ngayong taon ay pili lamang sa ilang bahagi ng Metro Manila ang mauuna na mabibigyan ng subsidiya kabilang ang mga jeepney and tricycle drivers.
Pero nilinaw ni Guadiz na wala pang bilang kung ilan ang mabibigyan at mauuna sa benepisyo sa fuel subsidy.
Paliwanag ng opisyal, konsiderasyon umano ng ahensya na mabigyan sila ng subsidiya dahil sa tumaas ang presyo ng diesel.
Facebook Comments