LTFRB, magbubukas ng 100,000 prangkisa para sa TNVS

Magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng 100,000 prangkisa para sa mga nais sumubok sa Transport Network Vehicle Service o TNVS.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, magiging pang-unang requirement sa mga nais sumubok sa TNVS ay driver’s license at 15-oras na seminar habang binabalangkas pa ang buong panuntunan.

Sa kabila nito, nangnagamba ang grupong LABAN TNVS moment sa hakbang ng LTFRB dahil sa sobrang dami ng bagong drivers na papasok sa inudstriyta gayong bumaba ang demand matapos ang holiday season.


Ayon kay LABAN TNVS President Jun de Leon, nagrereklamo na ang ilan sa kanilang mga kasama dahil sa lumiit nilang kita tapos nangangamba pang lumiit pa dahil sa dami ng papasok na bagong kumpitensya.

Pinawi naman ni Guadiz ang sentimyento ng mga TNVS drivers dahil kasama na sa 100,000 na bagong prangkisa ang unang binuksang 45,000 slots para sa motorcycle at 4,000 naman para sa car franchises.

Dagdag pa ng opisyal, hindi lamang ito para sa Metro Manila kundi para rin sa ibang major cities sa bansa tulad ng Cebu at Davao.

Mababatid na nakipagpulong si Pangulong Bongbong Marcos sa Grab Philippines kung saan nangako ang ride-hailing firm ng 500,000 bagong trabaho para sa mga Pilipino.

Facebook Comments