LTFRB, maglalabas ng rekomendasyon sa DOTr ngayong linggo hinggil sa panukalang dagdag-pasahe

Magsusumite ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng rekomendasyon sa Department of Transportation (DOTr) ngayong linggo tungkol sa hiling na dagdag-pasahe sa mga Public Utility Vehicles (PUVs).

Iyan ang kinumpirma ni LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II matapos ang isinagawang Public Consultation on Fare Increase kaninang umaga.

Ayon kay Mendoza na ang mga report na kanilang natanggap ay mula sa mga backlog ng ahensya noon pang 2023 hanggang 2024.

Dagdag pa niya na depende pa sa magiging desisyon kung papayagang gawin na sabay-sabay ang dagdag-pasahe ng mga pampublikong sasakyan.

Para kay Mendoza, malaking tulong ang pakikipagdayalogo sa mga transportion operator, drivers, at mga komyuter sa mga alternatibong solusyon para hindi na magtaas ng pamasahe.

Sa ngayon, bubuuin ang lahat ng nakalap na report ng ahensya mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa bago ang pagpapasa ng rekomendasyon sa DOTr.

Facebook Comments