Magkakaroon muna ng konsultasyon sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng mga public transport operators and drivers para maikasa at maihanda ng maayos sa pagsisimula ng pagtaas ng passenger capacity.
Base sa pinakabagong Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution, itataas mula 50% sa 70% at kalaunan ay full capacity ang mass transportation kasama na ang mga tren simula sa November 4.
Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na uumpisahan muna nila ito dito sa Metro Manila.
Kapag naging maayos ang pilot implementation ay tsaka ito ipatutupad din sa mga probinsya.
Paliwanag pa ni Delgra na maglalabas din ang ahensya ng memorandum circular para sa maayos na information dissemination kung papaano ipatutupad ang pagtataas ng seating capacity sa mga pampublikong transportasyon.