Manila, Philippines – Babala sa mga motorist agad nang manghuhuli ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pagsisimula ng implementasyon ng revised Anti-Distracted Driving Act (ADDA) sa July 6.
Sa interview ng RMN kay LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada – nilinaw nito na sa oras na matapos ang publication ng Implementing Rules and Regulations ng ADDA ay agad na silang maghuhuli at hindi na information drive ang gagawin.
Sa ilalim ng nirebisang ADDA, ipinagbabawal pa rin ang paggamit ng cellphone o kahit anong uri ng gadget habang nagmamaneho pero maaari naman gumamit ang mga driver ang hands-free function.
Hindi pa rin pinapayagan ang paggamit ng mga gadget ng mga driver kahit nakahinto ang mga sasakyan at pwede lamang kung itatabi muna ang sasakyan.
Bagamat, hindi kasama sa batas ang pagbabawal ng mga paglalagay ng mga nakasabit tulad ng rosaryo o signboard sa jeep nilinaw ni Lizada na kanila itong isusunod.
Matatandaang noong may 23 sana ipatutupad ang batas ngunit sinuspinde ito dahil sa kalituhan sa mga bagay na ipinagbabawal sa dashboard at windshield ng mga sasakyan.