Itinanggi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mawawalan ng mga biyahe ang mga pampasaherong jeep sa rutang Cubao-Divisoria pagsapit ng Pebrero.
Simula sa February 1 ay magkakaroon na ng hulihan at ituturing nang colorum ang mga ‘unconsolidated PUV.’
Sa isang statement, nilinaw ng LTFRB na mayroon nang mga jeepney operator ang nakapag-consolidate sa naturang ruta.
Aabot na sa 114 units ang nakapag-consolidate sa rutang ito para serbisyuhan ang mga estudyante at mga manggagawa.
Wala rin umanong dapat ipag-alala ang mga pasahero dahil may LRT-2 para sa biyaheng Cubao-Divisoria.
Facebook Comments