LTFRB, muling iginiit na binabayaran nila ang mga driver sa ilalim ng Service Contracting Program o libreng sakay

Nadismaya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga driver at operator na nagrereklamo na hindi pa sila nababayaran sa ilalim ng Service Contracting Program o libreng sakay ng naturang ahensya.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni LTFRB Executive Director Cristina Cassion na kahit nade-delay ng isa o dalawang linggo ang payout, ay regular naman sila nagbabayad sa mga nasabing driver.

Aniya, sa loob ng pitong linggo, ay nakapaglabas na ang LTFRB ng kabuuang P2.9 bilyon kung saan 60% ang naproseso, 76% ang naibigay na at 96% ang na-credit na.


Giit ni Cassion, na walang katotohanan na hindi nagbabayad ang LTFRB sa mga driver.

Inamin ni Cassion na marami silang natatanggap na reklamo mula sa mga driver na hindi pa nakakakuha ng bayad.

Ayon kay Cassion, dapat ang mga operator ang magpapasahod sa mga driver kung saan batay ito sa kontrata na pinirmahan nila.

Facebook Comments