LTFRB, muling ipinaalala na hanggang Biyernes, June 28 ang huling araw ng pamimigay ng 2018 pantawid pasada fuel cards

Ipinaalala ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hanggang biyernes, june 28, 2019 na lang ang huling araw ng pamimigay ng Pantawid Pasada fuel cards para sa 2018 subsidy.

Dahil dito, Hinihikayat ng LTFRB ang mga operator-driver ng mga Public Utility Jeepneys na nakapangalan sa prangkisa na i-claim na ang kanilang Pantawid Pasada cards.

Sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, makatatangap ng tig-P5,000. 00 na fuel subsidy ang mga lehitimong PUJ operator at driver.


Ang Pantawid Pasada Program ay pinondohan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kung saan isa itong programa ng pamahalaan para makatulong sa mga jeepney drivers at operators sa patuloy na pagsipa ng presyo ng langis.

Facebook Comments