LTFRB, muling tatanggap ng aplikasyon sa mga pampasaherong sasakyan

Manila, Philippines – Tiniyak ni Chairman Martin Delgra ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi makakadagdag ng pagsikip ng daloy ng trapiko ang muling pagbubukas ng aplikasyon ng prangkisa sa mga public utility vehicle.

Ayon kay Delgra, may mga nakalatag silang estratehiya kung papaanong hindi makakadagdag sa bigat ng trapiko ang nasabing hakbang.

Sa katunayan aniya ang , mga colurum pa ang dahilan ng matinding trapiko sa mga lansangan.


Sa lunes na itinakda ng ltfrb ang pagtanggal sa labing apat na taong moratorium sa pagbibigay ng prangkisa sa mga PUV.

Ngunit ipauubaya ng LTFRB sa mga Local Government Unit ang pagdedetermina sa mga linyang may kakulangan ng mga PUV bago nila aprubahan ang isang aplikasyon.

Kumpyansa naman si Delgra na hindi mahahaluan ng pulitika sa mga lokal na pamahalaan ang pagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na mag-endorso para sa mga aplikante na bibigyan ng mga bagong ruta.
DZXL558, DK Zarate

Facebook Comments