Ngayong nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila, nag-deploy ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Public Utility Bus (PUB) units na ang pintuan ay nakaharap na sa left side ng EDSA Busway System.
Ang Mega Manila Consortium, isa sa dalawang consortiums na gumagamit ng EDSA Busway route, ay kumasa sa pakiusap ng Department of Transportation (DOTr).
Dahil dito, nag-deploy ng tatlong ganitong units sa ilalim ng HM Transport Inc.
Layon nito na gawing mas ligtas at kumportable sa mga commuter ang mga bagong loading at unloading bus stops na nasa busway system lane ng EDSA.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, sa sumatutal, mayroong 3,662 bus units ang pinapayagang bumiyahe sa 31 traditional city bus routes sa Metro Manila.