Manila, Philippines – Muling natauhan ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ito ay matapos madiskubre ng DZXL 558 RMN Manila ang nagpapatuloy na iligal na transaksyon sa harapan lang ng kanilang tanggapan.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, nakita na nya ang mga larawan matibay na ebidensya na nag papatuloy parin sa operasyon ang mga fixer.
Dahil dito nagpasalamat ang opisyal at ngayon ay gumagawa na sila ng kaukulang aksyon para sa nasabing report.
Makikita sa larawan, sa harap lang ng guwardya nagaganap ang iligal na transaksyon habang nakakumpol ang hindi baba sa 7 mga tao kabilang ang mga parokyano.
Makikita din sa larawan ang isang fixer na nagyoyosi pa sa pampublikong lugar na alam naman ng lahat na bawal na bawal na sa ngayon.
Kahapon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA, ayaw nya ng kurapsyon kahit pa sa maliliit na uri katiwalian.