LTFRB, nagbabala sa mga sumasakay ng ‘Habal-Habal’

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) laban sa mga tumatangkilik ng ‘Habal-Habal’ sa gitna na rin ng lumalalang trapiko at kakulangan ng maayos na Public Transport sa Metro Manila.

Ito’y matapos maglutangan sa Social Media ang mga group page kung saan pwedeng mag-book ang mga pasahero.

Ipo-post lamang ng pasahero ang pick-up point at drop off points nito at pamasahe.


Ang mga interesadong rider naman ay nag-iiwan ng comment o nagpapadala ng Private Message.

Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, kailangang rehistrado sa kanila ang mga sasakyang ginagamit sa pagpasada.

Iginiit din ng LTFRB na dapat ding may insurance ang parehong rider at pasahero.

Facebook Comments