Manila, Philippines – Nagbabalaang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga isnaberongtaxi driver na papatawan ng parusa kapag namili ng kanilang pasahero.
Ayon kay LTFRB boardmember Atty. Aillen Lizada, tuwing holiday season, tumataas ang bilang ng mgareklamong natatanggap ng ahensya hinggil sa mga abusadong taxi driver.
Aniya, limampungporsyento dito ay tumatanggi ang mga driver na maghatid o magsakay ng pasahero.
Pangalawa ay mga driverna naniningil ng sobra o overcharging, at pangatlo ay rude behavior o hindimagandang paguugali.
Anya aabot sa multang P5,000ang penalty sa unang offense o posibleng makansela ang driver’s license nitosakaling maulit na maireklamo sa pang- iisnab sa mga pasahero.
Samantala, nakatakdangmaglabas ng memorandum circular ang ahensya kung saan maaari ng ma-impound omapawalang bisa ang certificate of public conveyance ng jeep, pagtaas ngmultang 15,000 at pagkansela ng lisensya sa mga supladong taxi driver .
LTFRB, nagbabala sa mga taxing isnabero
Facebook Comments