LTFRB, nagbigay ng babala sa pag-arkila ng colorum na van

Manila, Philippines – Nagbigay-babala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa publiko kaugnay sa pag-aarkila ng van na kolorum o walang prangkisa.

Ito ay matapos na ma-impound ang ilang mga van sa Baguio City na nahuli habang namamasada sakay ang mga teacher na dadalo sa isang seminar ng Department of Education.

Ayon sa LTFRB, malaki ang posibilidad na hindi mabayaran ang insurance sakaling masangkot ang mga naturang van sa aksidente dahil hindi ito rehistrado.


Pinapayuhan din ang mga may-ari ng van na kumuha na ng prangkisa para maging legal ang kanilang pamamasada.

Facebook Comments