LTFRB, nagdagdag na ng bus na papalit sa mga nasuspindeng bus ng Solid North

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na may sapat na bus na biyaheng norte kahit pa sinuspinde nila ang bus company na Solid North.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, naglabas na sila ng 270 na bus kasunod ng pagdaragdag nila ng special permit para na rin sa darating na Eleksyon 2025.

Inaasahan kasi na marami ang mag-uuwian para makaboto kung kaya nakipag-ugnayan na rin sila sa iba pang bus company para mapunan ang kulang na bus na babiyahe sa iba’t ibang probinsya.

Samantala, sinabi rin ni Guadiz na nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring insidente sa SCTEX— kasama rin nilang gagawin ang pag-inspeksyon ng mga suspendidong bus sa mga susunod na araw.

Facebook Comments