
Ipinag-uutos ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza II sa mga Regional Director na magsimula nang mag-inspeksyon sa lahat ng mga bus at ibang terminal.
Ito ay bilang paghahanda sa pagdagsa ng pasahero para sa darating na All Saint at All Souls Day sa November 1 at 2.
Iniutos din ni Mendoza sa mga kumpanya ng bus at trasport operators na siguruhin na ang kanilang mga terminal at station ay ligtas at komportable sa mga pasahero.
Dagdag pa rito, tagubilin naman ng ahensya sa mga may-ari ng bus at mga operator na masiguro na mayroong malinis na palikuran.
Sinisiguro naman ng LTFRB na lahat ng mga bus at pampublikong transportasyon ay ligtas, mula sa sasakyan hanggang sa mga driver at kunduktor upang makarating ang mga pasahero ng ligtas at komportable.









