
Nagkasa ng nationwide crackdown ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga illegal na terminal.
Kasunod ito ng inanunsyo ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II na bubuo ang ahensya ng polisiya upang hindi na makapag-renew ng prangkisa ang mga hindi ligtas at bulok na public utility vehicles (PUVs).
Ayon kay Mendoza, kadalasan ang mga illegal terminals ay nagiging lungga ng mga colorum vehicles at madalas na pinagmumulan ng korapsyon.
Malimit umano na nakahimpil ang mga illegal terminals sa mga hindi ligtas na lugar at may mga substandard na pasilidad, gaya ng kawalan ng malinis at maayos na comfort rooms, walang comfortable area para sa mga buntis, mga bata, mga Persons with Disabilities (PWDs) at mga senior citizens.










