
Pagpapaliwanagin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board – National Capital Region ang mga operator ng Public Utility Vehicle (PUV) na walang maayos na paradahan ng kanilang units.
Kasunod ito nang pagkakahuli sa sampung PUV Units sa isinagawang PUV units and Terminal inspection sa West Avenue at Fernando Poe Jr., Avenue sa Quezon City kahapon.
Ayon kay LTFRB-NCR Regional Director Atty. Zona Russet Tamayo, ang hindi maayos na pagpa-park sa kalye ng PUV units ay kinokunsiderang matibay na patunay na ng kawalan ng garahe ng mga ito.
Pinapaharap ang mga operator sa pagdinig sa LTFRB-NCR sa Marso 17,2026 .
Kailangan nilang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat pagmultahin o parusahan dahil sa kanilang paglabag.
Alinsunod sa mga umiiral na patakaran,obligado ang mga operator na magkaroon ng garahe para sa kanilang units.










