LTFRB, naglatag ng kondisyon matapos payagan ang standing passengers sa mga PUB at MPUJ; lalabag, pagmumultahin ng P5,000

Papatawan ng P5,000 multa ang sinumang lalabag sa limitasyong itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) pagdating sa bilang ng mga pasaherong papayagang tumayo sa mga public utility vehicles.

Base sa Memorandum Circular No. 2022-070, pinapayagan ang standing passengers sa mga Public Utility Bus (PUBs) at Modern Public Utility Jeepney (MPUJs) Class 2 sa ilalim ng sumusunod na kondisyon:

 Para sa Low Entry/ Low Floor PUBs, 15 pasahero lang ang papayagang tumayo at dapat na one person apart
 Para sa coach-type PUBs, 10 lang dapat ang standing passengers at dapat na one person apart
 Para sa MPUJs-Class 2, lima lang ang papayagang tumayo at dapat na one person apart


Samantala, ayon kay LTFRB board member Mercy Jane Paras-Leynes, maaari pang mabago ang panuntunan depende sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments