Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang kailangang bayaran ang mga Public Utility Jeepney (PUJ) operators sa pagkuha ng mga QR code.
Base sa Memorandum Circular 2020-026, ang QR Code ang magpapatunay na ang naturang PUJ ay pinapayagang bumiyahe sa kanilang ruta na kabilang sa 49 na rutang binuksan ng LTFRB.
Dapat nakapaskil sa windshield ng mga jeepney ang QR codes.
Kahit wala pang QR Codes na ma-download dahil sa site migration ng LTFRB website, pinapayagan muna ng LTFRB na bumiyahe ang mga traditional jeepney mula July 3 hanggang July 5, 2020.
Mahigit 6,000 na jeepneys na inaprubahang makabiyahe sa may 49 routes sa Metro Manila.
Nagbabala rin ng LTFRB na walang ipinapatupad na taas-pasahe sa pagbiyahe ng mga traditional PUJ.