Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga motorista na mag -ingat sa biyahe dahil sa mga naitalang nasirang kalsada bunsod ng mga nangyaring pagguho ng lupa kasunod ng magnitude 7.0 ang lindol sa Tayum, Abra.
Ayon sa LTFRB, mas makabubuting ipagpaliban muna ang mga biyahe kung di-lubhang kinakailangan dahil sa posibleng maranasang aftershocks.
Kabilang sa may mga isinarang kalsada ay nasa Baguio City:
– Kennon Road closed to all motorists
– Marcos Highway one lane passable
– Benguet-Vizcaya Road closed to traffic
– Baguio-Bua-Itogon Road closed to traffic
Facebook Comments