Sunday, February 15, 2026

LTFRB, nagpalabas ng 23 karagdagang SCO sa mga non-compliant terminals at PUV operator sa NCR

Muling nag-isyu ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) – National Capital Region ng 23 Show Cause Order (SCO) laban sa mga non-compliant at public utility vehicles (PUVs) operators ng pampublikong sasakyan.

Kasunod ito ng patuloy na inspection ng LTFRB sa mga terminal at PUVs sa buong bansa.

Kung saan umakyat na sa 50 SCO ang naipalabas ng ahensya sa mga operators at terminals na hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan ng LTFRB.

Dahil dito, hinihikayat ni LTFRB-NCR Regional Director Atty. Zona Russet Tamayo ang mga operators na sumunod sa polisiya ng ahensya pagdating sa pagkuha ng prangkisa at nagpaalala na siguruhin na ng mga ito ang roadworthiness ng kanilang mga unit.

Ang inisyatibong ito ay ayon sa derektiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at gabay ni Transportation Secretary Giovanni Lopez at sa ilalim ng pamamahala ni LTFRB Chief Atty. Vogor Mendoza II na masiguro ang pagsunod sa terms and condition ng pagkuha ng prangkisa kung saan kinakailangan ang mga operators ay may sapat na existing garage compliant terminals at roadworthy na mga sasakyan.

Facebook Comments