LTFRB, nagpaliwanag sa pagpayag nitong pumasada ang mga hindi ‘consolidated’ na PUV, UVs

Naglabas ng paglilinaw ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa desisyon na makapag-operate pa rin ang mga jeep at UV express na hindi nakapag-consolidate.

Sa isang pahayag, sinabi ng LTFRB na resulta ito ng mababang authorized units sa ilang mga ruta.

Sa ilalim ng Board Resolution No. 53, ipinaliwanag ng LTFRB na ang minimum na kinakailangan ng mga unit sa partikular na ruta para sa konsolidasyon ay naglilimita sa mga operator ng jeepney at UV express na mag-apply para sa konsolidasyon at makilahok sa Public Transport Modernization Program.


Upang matiyak na may sapat na papasada sa mga rutang may mababang awtorisadong unit, pinahintulutan ng LTFRB ang unconsolidated unit na makabiyahe.

Gayunpaman, binigyang-diin ng LTFRB na ito ay kailangan na aprubahan sa ilalim ng Local Public Transport Route Plan o ng Route Rationalization Plan.

Idinagdag ng LTFRB na ang mga unconsolidated jeepney at UV units ay papayagan “sa kondisyon na ang kanilang mga unit ay kasalukuyang nakarehistro sa LTO at may wastong Personal Passenger Accident Insurance Coverage.”

Facebook Comments