Layon ng aktibidad na mahikayat at matulungan ang mga transport cooperative na makapagloan sa mga bangko para sa modernisasyon ng kanilang mga unit.
Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular 2022-063 ng DOTr kung saan maaari nang mag-avail ang mga transport coop ng Equity Subsidy sa mga rural banks, coop banks at iba pang lehitimong financial institutions na accredited ng ahensya
Dumalo rin sa nasabing forum ang mga kinatawan mula sa Development Bank of the Philippines (DBP), Land Bank of the Philippines (LBP), Cooperative Bank of Cagayan at Car Manufacturer/Supplier upang mapapadali ang mga kooperatiba na maikonekta at maidulog sa mga bangko para matulungan sila sa kanilang loan application.
Ipinahayag naman ni Regional Director Edward Cabase sa forum ang suporta at tulong mula sa LTFRB sa mga transport Cooperative sa pagmodernisa ng kanilang mga pampasaherong sasakyan.
Samantala, ayon sa status report kaugnay sa Public Utility Vehicle Modernization Program sa Lambak ng Cagayan, umabot na sa 227 modernized units ang nag-ooperate ngayon sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.
Nasa 50 naman mula sa 98 LGU’s sa rehiyon ang nakapagpasa ng kanilang Local Public Transport Route Plan na nagdedetalye sa mga ruta, angkop na sasakyan, at bilang ng mga unit para sa paghahatid ng serbisyo sa mga commuter, na siyang kailangan upang magbigay prangkisa para sa pampublikong sasakyan.
Ito ay isa sa mga pangunahing bahagi ng PUV Modernization Program.
Sa ngayon, dalawang LGUs mula sa Isabela ang naaprubahan na habang ang iba ay kasalukuyan pa ring isinasailalim sa draft evaluation at revision.