Bumuo na ng formula ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa pamasahe ng jeepney, bus, taxi at UV Express na ibabase sa paggalaw ng presyo ng petrolyo.
Sa ilalim ng Memorandum Circular no. 2019-035, binubuo ang formula para sa base fare adjustments sa pamamagitan ng fuel pump price data mula sa Department of Energy (DOE).
Halimbawa, ang regular jeepney ride ay nagkakahalaga na ngayon ng siyam na piso mula sa apat na kilometro at dagdag na ₱1.40 sa mga susunod na kilometro.
Pero kapag ang presyo ng petrolyo ay tumaas ng 55 pesos kada litro mula sa 50 pesos, ang pamasahe ay magiging ₱9.32 at ₱1.45 sa kada susunod na kilometro.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III – maaring gamitin ang fare matrix fomula kapag mayroong fuel price adjustments.
Ang principle sa likod nito ay kapag nagkaroon ng fuel adjustment – bumaba man o tumaas at kapag umabot sa threshold, magbabago ang pamasahe.